[ Monday, January 03, 2005 ]
6:09:00 PM
since pasukan na bukas, gumala lang ako ng konti kasama yung friends kong laging game. i was with hazel, zeline and my better half awhile ago at SM. sayang di nakasama si marvin, di daw kasi sya pinayagan ng mom nya. anyway dumating ako dun ng 1pm, tapos nakipagkita dun sa dalawang zel. since wala pa yung bf kong laging late, tumamabay muna kami sa mcdo. as in tambay lang, di man lang kumain. nag-chikahan, daldalan to the max hanggang sa wala na kaming mapagusapan dahil sa tagal ni lep. after 1 and a half hour naming naghintay, sa wakas, dumating na sya. wag ka, ang sinabi nyang oras ng dating nya 2pm, 2:30 dumating ang lolo mo. tapos umakyat na kami sa movie house para manood ng Sigaw (which was an ok movie). pumasok kami dun sa loob ng sinehan na pagkalamig-lamig. ewan ko ba kung bakit ko nalimutan dalhin yung jacket ko. anyway, nung tapos na yung movie, gusto pa nya manood ng Mano Po. eh di na ko pwede. so ako, umuwi nah. ewan ko kung ano na ginawa ng tatlong yun dun.
***
gigising na ulit ako ng maaga simula bukas. labag man sa kalooban ko. huhu. di pa talaga ko handa. pero kailangan na mag-aral eh. kailangan gumraduate. naku! dadating na nga pala yung results ng entrance tests this month. san kaya ako pumasa? ano kaya course ko? ano kaya magiging kinabukasan ko? hmmm.
berday na ni amcee next wednesday. wala lang.

