[ Saturday, April 09, 2005 ]
11:06:00 AM
[Emo-mode: On]
bakit ganon? kung kelan ingat na ingat kang huwag magkamali, dahil ayaw mong ma-upset yung isang tao dahil alam mong you're just hanging on to a thin strand of thread, dun ka pa may magagawang hindi nya magugustuhan. yung tipong walang explanation kung bakit mo nagawa yun. na para bang sinasadya pa ng tadhanang guluhin kayo.
hindi siya galit at alam mo yun. pero alam mong nadagdagan nanaman ng crack yung relationship nyo. isang crack na kahit maliit lang, pwedeng magdulot ng pagkabasag ng lahat. at pag nabasag na ang lahat, mahirap na itong buuin pa. isa-isa mong pupulutin ang mga bubog para mabuo ulit ang lahat. at sa panahong ginagawa mo ito, nasusugatan ka sa matatalim at matatalas na bubog. pero patuloy ka parin sa pagpulot ng maliliit na bahagi ng nabasag nyong relasyon, dahil sa pag-asang maaari pang maayos ang lahat. at kapag nasayo na ang lahat. kapag napagdikit-dikit at nabuo mo na, alam mong may lamat na ito. hindi na, kahit kailan, maibabalik pa sa dating anyo.
ayokong umabot sa ganon. ayoko.

